Madugong proseso raw ang pinagdadaanan ng mga auditor ng Commission on Audit (COA) para maisapinal at maisapubliko ang kanilang audit reports. Ayon ito kay former COA Commissioner Heidi Mendoza.<br /><br />Kamakailan, naging kontrobersiyal ang pagpuna ng COA sa paggastos ng pondo ng Department of Health at iba pang ahensya ng gobyerno.<br /><br />Ano nga ba ang proseso ng COA sa kanilang pag-audit at gaano nga ba ito kahalaga sa pagtukoy ng integridad ng isang government agency? Alamin iyan sa episode na ito ng The Mangahas Interviews.